Tuesday, June 15, 2010

PAUNAWA

Paunawa po lamang sa aking mga taga-subaybay, napagdesisyunan ko na i-delete na lamang ang blog na ito upang isa na lamang ang aking tagalog blog na ime-maintain... Kung maari po sana na paki-bisita at paki-follow na rin po itong aking munting "bahay" http://www.lheybella.blogspot.com

I'm giving it a week bago ko tuluyang i-delete ito. Sana po magkita-kita tayo sa dun sa kabila. Salamat po...

XOXO,
Lhey

Sent via BlackBerry from T-Mobile

Friday, June 11, 2010

Eto ako!

Ayan, after 2 weeks mula ng pinanganak ko si Raine, eto na ako ngayon... I don't think I look bad coz its only been 2 weeks, but I know I have to work my butt off again working out. Di pa naman ako mahilig mag-gym gym, pero after 3 babies mukhang kailangan na talaga maging disciplined ako! Mind over matter lang katapat nito, la na ako excuse lumamon ng spam, bacon, kfc, atbp Di na kasi ako buntis eh! Waaaaaaah! Paminsan-minsan na lang ulit siguro. So ayan pinagmamayabang ko lang ang itsura ko ngayon, di na masama. Ano sa palagay mo?

XOXO,
Lhey
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Thursday, June 10, 2010

Isa akong Nanay.

Oh anong sarap ang maging isang Ina. Walang sinabi ang masigabong palakpakan na natatamo ko mula sa pagta-tanghal sa entablado bilang isang mang-aawit...

May mga araw na mas madali kaysa sa ilan. May mga araw na mas madami'ng buntong-hininga akong pinakakawalan, subalit lahat ng ito ay worth it! Walang katumbas ang ngiti at halakhak ng mga bata. Ang mga munting pasalamat sa mga pagkaing aking ihinahanda. Mga matatamis nilang halik sa aking pisngi, at ang mga katagang "I love you, Mommy!"

Minsan, nagtataka ang asawa ko, Sa isang katulad ko daw na pinagpala ng Panginoon, Biniyayaan ng magandang boses, hindi ko ba raw hinahanap-hanap ang buhay performer, ang ilaw sa entablado, ang ingay at palakpakan ng mga tao, di ko ba raw minimithi ulit na makamit ito?

Magpapaka-totoo lamang ako, Ibang klaseng saya ang dulot ng pag-awit at pagtatanghal sa stage sa akin. Maligaya ako sa tuwing nakakapagpasaya ako ng ibang tao thru my music... Ngunit, Subalit, Datapwat iba talaga ang fulfillment ng pagiging Nanay. Sa puso, Sa isip, at Kaluluwa... Para bang mula sa kalingkingan ng talampakan ko hanggang sa huling hibla ng buhok ko ang kaligayahan. Sarap sa pakiramdam!

Hay, sarap maging isang nanay...

XOXO,
Lhey
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Sunday, June 06, 2010

Simpleng buhay: The Best!

Nandito ako ngayon naka-upo, nag-iisa, nagka-kape, pinagmamasdan ang isang magarang bahay, malaking bakuran, at magandang sasakyan.

Ayos... Salamat po Lord, Maraming Salamat Po.

Buhay Amerika:
Akala ng iba, pag nasa Amerika ka, panalo na! Wala ka ng mahihiling pa! Mahirap din ang buhay dito, Mapalad lang ako na di ako isa sa mga libo-libo nating kababayan na dala-dalawa o minsan tatlo-tatlo pa ang trabaho para lang makaranas ng maginhawang buhay. Marami dito na umaasa lang sa "Plastik" o Credit Card, para sa mga kababayan o kapamilya sa Pinas, mukha nga namang bigtime, aba lahat ng uso meron eh, naka-iPawn o kaya Blackberry, naka-branded na damit, atsaka ang gara ng sasakyan, panay ang post ng piktyurs sa facebook eh. Madalas puro utang sa credit card yun, again... Sad but true!

Nakaka-inis pa minsan, mga kapwa Pinoy pa ang nagyayabangan. Pang-asar talagang mentalidad yan eh. Ang daming beses ko na kasing na-experience. Titingnan ako kung anong gamit kong celphone, kung anong tatak ng purse kong karga-karga, kung anong kotse dinadrayb ko, pag di pumasa sa mataas nilang standard, parang Alien ang dating ko sa paningin nila... Asar talo eh! Haha!!!

I was blessed with a gift of music. Pasalamat ako sa Panginoon sa binigay Niang talent sa akin. I've never worked a day in my life. Although I sing for a living, hindi ko kino-consider na pagta-trabaho yun, para sa akin, I'm doing what I love most, I'm playing, having fun... But, at the same time I'm getting paid a reasonable amount of Money. My singing career in Vegas was an awesome experience! One chapter of my life na sadya naman talagang unforgettable.

Ngayon, tambay na lang ako sa bahay... Haha, pinalad na makapag-asawa ng masipag at marunong sa buhay, He worked hard all his life to be where he's at right now. Kahit recession dito sa Amerika, atleast di kami masyado apektado, napaka-blessed namin na maginhawa pa rin ang buhay para sa aming pamilya, again, "Thank you po Lord!"

So anyway, ang haba ng pasakalye ko, ang gusto ko talagang ipunto dito eh eto...

Hapon na dito sa Kansas, nagkakape nga ako dito sa labas, naiisip ko lang ang buhay sa Pinas. Simple pero rock! Kahit na nung nasa Showbiz life na ako Pag uuwi ako sa Cavite, walang showbiz showbiz kasama pamilya ko. Normal lahat... Pag gantong hapon, di na ako mapakali nitong pumuntang plaza para makapag-isaw. Hahaha!!! Nakupo dang sarap eh, sawsaw sa sukang maanghang! Di uso sakin yung hihingi ng sariling suka, mas masarap yung sa mismong bote nila, sari-saring laway at kung anu-ano pang elemento ang nandun, haha!!! Yun nga nagpapasarap yata dun eh, LOL! Pag di pa solb, kakain naman ng lugaw saka lumpiang toge, this time may sarili na akong sawsawan... La akong choice eh, bibigyan nila ako ng konti sa mangkok!
Panalo talaga... Yung mga ganun kasimple ang nami-miss ko eh... Yung kantsawan namin ng mga ate ko saka mga pamangkin ko, yung mga fishball moments namin, saka mangang hilaw w/ bagoong. Halo-Halo moments pag summer, o kaya sorbetes, pa-minsan si Mamang nagtitinda ng Ice Buko napapagawi sa amin, yung ginataang bilo-bilo sa kanto, o kaya kwek-kwek sa may sakayan ng jeep, saka fishcracker at itlog pugo sa may coastal pag inabutan kami ng one way... Pucha mapapaiyak nako. Gusto ko ng umuwi... Miss ko na sina ate, kuya, at mga pamangkin kong bugok!

Walang katumbas ang simpleng buhay namin, it made me look at things so differently, but more than anything else? PAMILYA pa rin ang the best! Walang katumbas na halaga, sa hirap at ginhawa,
At sa kahuli-hulihan?
Pamilya pa din ang babalik-balikan...

LHEY
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Friday, June 04, 2010

Topak

Kahit na nung dalaga pa ako, moody na talaga ako. Pero yung pagka-moody ko tahimik lang ako, hindi yung nang-aaway ha? Tahimik lang ako, wala ako sa mood makipag-usap or makipag-biruan kanino man. Yun ang topak ko.

Pero ngayong may mga anak na ako, di na pwede ang arte ko, di na pwede yung toyo-toyo! Haha! Kasi naman, pano ka magse-set ng example sa anak mo kung ganong klase ang ipapakita mo diba? Kaya, pag dumarating ako sa ganong point, nagpapakawala lang ako ng mahabang buntong hininga...

Bakit ko ine-explain to? Kasi tinotopak ako! Bwahahahaha!!! :)


XOXO,
LHEY
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Tuesday, June 01, 2010

ika-anim na araw


6 days old na si Raine today...

It seems to me like it was just yesterday
na panay pa ang reklamo ko dahil hindi pa ako nanganganak.
hahahaha, ubod ng kulit eh no? panay ang reklamo...
Kaya naman nung nagsimula na yung labor ko,
di ako maka-reklamo sa sakit, eh pano yun ang hinihintay ko diba? kaya tiis-tiis ako hahaha!!!

So anyways, Kamusta naman kamo kami?
Ayos na Ayos po...
Wala pa siyang sleeping pattern pero okay lang.
Madalas she wakes up every two hours, sometimes much longer than that.
Pero in a few weeks magkakaroon na din sya ng pattern.

Kanina, she took her 1st bath.
Haha, kakatuwa yung initial reaction nia
when the water touched her supple skin,
sa loob-loob nia siguro "Ano'ng ginagawa nio sa akin?" haha...
She is just so precious,
lahat kami are still in awe sa presence nia.
Ang ate at kuya nia talaga namang
nag-aaway pa sa attention nia
di pa magkasundo ang dalawa kung sino ang hahawak sa kamay
o ang hahalik sa noo...

Natutuwa ako kasi Zyon is taking everything so well.
love na love nia ang kanyang baby sister.
Si Jazz of course is a perfect Ate,
Si Zyon lang naman talaga ang concern ko kasi syempre
for 3 years sanay siya na ang atensyon ko sa kanya lang.
But he's perfect, he's the best big brother...

==BREAST FEEDING==

Okay na ang aking boobies, pati sila adjusted na din hahaha!
Di na ganon kasakit, pero yung 1st latch pa din ang traumatic,
nakaraos na ako ng 6 days so tuloy-tuloy na siguro to!
Gow na lang ng Gow!
LOL

SO, yan lang muna sa ngayon ang tsika,
hanggang sa muli!!!

LOVE,