Tuesday, June 15, 2010

PAUNAWA

Paunawa po lamang sa aking mga taga-subaybay, napagdesisyunan ko na i-delete na lamang ang blog na ito upang isa na lamang ang aking tagalog blog na ime-maintain... Kung maari po sana na paki-bisita at paki-follow na rin po itong aking munting "bahay" http://www.lheybella.blogspot.com

I'm giving it a week bago ko tuluyang i-delete ito. Sana po magkita-kita tayo sa dun sa kabila. Salamat po...

XOXO,
Lhey

Sent via BlackBerry from T-Mobile

Friday, June 11, 2010

Eto ako!

Ayan, after 2 weeks mula ng pinanganak ko si Raine, eto na ako ngayon... I don't think I look bad coz its only been 2 weeks, but I know I have to work my butt off again working out. Di pa naman ako mahilig mag-gym gym, pero after 3 babies mukhang kailangan na talaga maging disciplined ako! Mind over matter lang katapat nito, la na ako excuse lumamon ng spam, bacon, kfc, atbp Di na kasi ako buntis eh! Waaaaaaah! Paminsan-minsan na lang ulit siguro. So ayan pinagmamayabang ko lang ang itsura ko ngayon, di na masama. Ano sa palagay mo?

XOXO,
Lhey
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Thursday, June 10, 2010

Isa akong Nanay.

Oh anong sarap ang maging isang Ina. Walang sinabi ang masigabong palakpakan na natatamo ko mula sa pagta-tanghal sa entablado bilang isang mang-aawit...

May mga araw na mas madali kaysa sa ilan. May mga araw na mas madami'ng buntong-hininga akong pinakakawalan, subalit lahat ng ito ay worth it! Walang katumbas ang ngiti at halakhak ng mga bata. Ang mga munting pasalamat sa mga pagkaing aking ihinahanda. Mga matatamis nilang halik sa aking pisngi, at ang mga katagang "I love you, Mommy!"

Minsan, nagtataka ang asawa ko, Sa isang katulad ko daw na pinagpala ng Panginoon, Biniyayaan ng magandang boses, hindi ko ba raw hinahanap-hanap ang buhay performer, ang ilaw sa entablado, ang ingay at palakpakan ng mga tao, di ko ba raw minimithi ulit na makamit ito?

Magpapaka-totoo lamang ako, Ibang klaseng saya ang dulot ng pag-awit at pagtatanghal sa stage sa akin. Maligaya ako sa tuwing nakakapagpasaya ako ng ibang tao thru my music... Ngunit, Subalit, Datapwat iba talaga ang fulfillment ng pagiging Nanay. Sa puso, Sa isip, at Kaluluwa... Para bang mula sa kalingkingan ng talampakan ko hanggang sa huling hibla ng buhok ko ang kaligayahan. Sarap sa pakiramdam!

Hay, sarap maging isang nanay...

XOXO,
Lhey
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Sunday, June 06, 2010

Simpleng buhay: The Best!

Nandito ako ngayon naka-upo, nag-iisa, nagka-kape, pinagmamasdan ang isang magarang bahay, malaking bakuran, at magandang sasakyan.

Ayos... Salamat po Lord, Maraming Salamat Po.

Buhay Amerika:
Akala ng iba, pag nasa Amerika ka, panalo na! Wala ka ng mahihiling pa! Mahirap din ang buhay dito, Mapalad lang ako na di ako isa sa mga libo-libo nating kababayan na dala-dalawa o minsan tatlo-tatlo pa ang trabaho para lang makaranas ng maginhawang buhay. Marami dito na umaasa lang sa "Plastik" o Credit Card, para sa mga kababayan o kapamilya sa Pinas, mukha nga namang bigtime, aba lahat ng uso meron eh, naka-iPawn o kaya Blackberry, naka-branded na damit, atsaka ang gara ng sasakyan, panay ang post ng piktyurs sa facebook eh. Madalas puro utang sa credit card yun, again... Sad but true!

Nakaka-inis pa minsan, mga kapwa Pinoy pa ang nagyayabangan. Pang-asar talagang mentalidad yan eh. Ang daming beses ko na kasing na-experience. Titingnan ako kung anong gamit kong celphone, kung anong tatak ng purse kong karga-karga, kung anong kotse dinadrayb ko, pag di pumasa sa mataas nilang standard, parang Alien ang dating ko sa paningin nila... Asar talo eh! Haha!!!

I was blessed with a gift of music. Pasalamat ako sa Panginoon sa binigay Niang talent sa akin. I've never worked a day in my life. Although I sing for a living, hindi ko kino-consider na pagta-trabaho yun, para sa akin, I'm doing what I love most, I'm playing, having fun... But, at the same time I'm getting paid a reasonable amount of Money. My singing career in Vegas was an awesome experience! One chapter of my life na sadya naman talagang unforgettable.

Ngayon, tambay na lang ako sa bahay... Haha, pinalad na makapag-asawa ng masipag at marunong sa buhay, He worked hard all his life to be where he's at right now. Kahit recession dito sa Amerika, atleast di kami masyado apektado, napaka-blessed namin na maginhawa pa rin ang buhay para sa aming pamilya, again, "Thank you po Lord!"

So anyway, ang haba ng pasakalye ko, ang gusto ko talagang ipunto dito eh eto...

Hapon na dito sa Kansas, nagkakape nga ako dito sa labas, naiisip ko lang ang buhay sa Pinas. Simple pero rock! Kahit na nung nasa Showbiz life na ako Pag uuwi ako sa Cavite, walang showbiz showbiz kasama pamilya ko. Normal lahat... Pag gantong hapon, di na ako mapakali nitong pumuntang plaza para makapag-isaw. Hahaha!!! Nakupo dang sarap eh, sawsaw sa sukang maanghang! Di uso sakin yung hihingi ng sariling suka, mas masarap yung sa mismong bote nila, sari-saring laway at kung anu-ano pang elemento ang nandun, haha!!! Yun nga nagpapasarap yata dun eh, LOL! Pag di pa solb, kakain naman ng lugaw saka lumpiang toge, this time may sarili na akong sawsawan... La akong choice eh, bibigyan nila ako ng konti sa mangkok!
Panalo talaga... Yung mga ganun kasimple ang nami-miss ko eh... Yung kantsawan namin ng mga ate ko saka mga pamangkin ko, yung mga fishball moments namin, saka mangang hilaw w/ bagoong. Halo-Halo moments pag summer, o kaya sorbetes, pa-minsan si Mamang nagtitinda ng Ice Buko napapagawi sa amin, yung ginataang bilo-bilo sa kanto, o kaya kwek-kwek sa may sakayan ng jeep, saka fishcracker at itlog pugo sa may coastal pag inabutan kami ng one way... Pucha mapapaiyak nako. Gusto ko ng umuwi... Miss ko na sina ate, kuya, at mga pamangkin kong bugok!

Walang katumbas ang simpleng buhay namin, it made me look at things so differently, but more than anything else? PAMILYA pa rin ang the best! Walang katumbas na halaga, sa hirap at ginhawa,
At sa kahuli-hulihan?
Pamilya pa din ang babalik-balikan...

LHEY
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Friday, June 04, 2010

Topak

Kahit na nung dalaga pa ako, moody na talaga ako. Pero yung pagka-moody ko tahimik lang ako, hindi yung nang-aaway ha? Tahimik lang ako, wala ako sa mood makipag-usap or makipag-biruan kanino man. Yun ang topak ko.

Pero ngayong may mga anak na ako, di na pwede ang arte ko, di na pwede yung toyo-toyo! Haha! Kasi naman, pano ka magse-set ng example sa anak mo kung ganong klase ang ipapakita mo diba? Kaya, pag dumarating ako sa ganong point, nagpapakawala lang ako ng mahabang buntong hininga...

Bakit ko ine-explain to? Kasi tinotopak ako! Bwahahahaha!!! :)


XOXO,
LHEY
Sent via BlackBerry from T-Mobile

Tuesday, June 01, 2010

ika-anim na araw


6 days old na si Raine today...

It seems to me like it was just yesterday
na panay pa ang reklamo ko dahil hindi pa ako nanganganak.
hahahaha, ubod ng kulit eh no? panay ang reklamo...
Kaya naman nung nagsimula na yung labor ko,
di ako maka-reklamo sa sakit, eh pano yun ang hinihintay ko diba? kaya tiis-tiis ako hahaha!!!

So anyways, Kamusta naman kamo kami?
Ayos na Ayos po...
Wala pa siyang sleeping pattern pero okay lang.
Madalas she wakes up every two hours, sometimes much longer than that.
Pero in a few weeks magkakaroon na din sya ng pattern.

Kanina, she took her 1st bath.
Haha, kakatuwa yung initial reaction nia
when the water touched her supple skin,
sa loob-loob nia siguro "Ano'ng ginagawa nio sa akin?" haha...
She is just so precious,
lahat kami are still in awe sa presence nia.
Ang ate at kuya nia talaga namang
nag-aaway pa sa attention nia
di pa magkasundo ang dalawa kung sino ang hahawak sa kamay
o ang hahalik sa noo...

Natutuwa ako kasi Zyon is taking everything so well.
love na love nia ang kanyang baby sister.
Si Jazz of course is a perfect Ate,
Si Zyon lang naman talaga ang concern ko kasi syempre
for 3 years sanay siya na ang atensyon ko sa kanya lang.
But he's perfect, he's the best big brother...

==BREAST FEEDING==

Okay na ang aking boobies, pati sila adjusted na din hahaha!
Di na ganon kasakit, pero yung 1st latch pa din ang traumatic,
nakaraos na ako ng 6 days so tuloy-tuloy na siguro to!
Gow na lang ng Gow!
LOL

SO, yan lang muna sa ngayon ang tsika,
hanggang sa muli!!!

LOVE,




Sunday, May 30, 2010

1st Photo Shoot









Ayan, sa wakas,
nahanap na din namin kanina ang battery pack para sa camera ko, hahaha!
Kaya ora mismo, photoshoot na agad ang prinsesa ko.
Sarap kuhanan, napaka-ganda kasi.
Parang di nga ako makapaniwala na galing sa akin ang mga anak ko.
Ang gaganda at pogi kasi nila, nyahahaha!!!

O walang kokontra blog ko to, atsaka mga anak ko yan
i'm, sure lahat ng nanay ganyan din ang sinasabi...

I hope you guys would like the pictures, enjoy! Salamat sa dalaw!


Saturday, May 29, 2010

Kamusta Naman?

Kamusta naman daw?

Eto, pagod.
Hindi ako pagod sa pag gising kada dalawang oras, literally, yung katawan ko lang talaga ang pagod. Ang isip ko hindi, ako na nga itong gustong tumayo at kumilos na sa bahay, kaso di pa kaya ng katawan ko. Kaya eto exhausted. Siguro for the past 2 days masyado kong pinuwersa maging OK agad para sa lahat, kaya ngayon, nahihilo ako masyado. I feel bad kasi bday pa naman ni Jason, I really want us to go out and enjoy his day. Kaso ngayon mukhang imposible na. Sama talaga ang pakiramdam ko...

BREAST FEEDING...

Kamusta naman ang kawawang suso ko?
Eto pangatlong araw pa lang parang nagsusumigaw na ng "suko na sila" hahaha, nakalaimutan ko kung gano kasakit atsaka kahirap ang magpa-dede.
Bakit yung ibang babae sa Pilipinas pag nagpapa-dede parang wala lang? Di nila iniinda? Ano? Sanayan lang? Waaaaaaah! Ang sakit kaya...

Nagka-crack na nga atsaka dry... Isipin mo yun, tapos parang nakaka-guilty namang ipagdamot!
Pag madaling araw nga, yung tipong mejo duling ka pa sa antok, tapos kailangan ko na magpa-dede, unang latch nia kasi ang pinaka-masakit eh, kaya pagkatapos ng unang latch, gising ako eh! Parang may sumigaw sa tenga ko ng pagkalakas-lakas "HOY GISING!" Haha, dahil yun sa hapdi at sakit, gising agad diwa mo! Haha!!!

So sa ngayon, yan pa lang ang drama ng buhay ko.
So far so good maliban sa kawawang kambal sa dibdib ko.
Our midwife checked us yesterday,
And everything seemed to be
Perfect.

Kanina lang medyo nahihilo ako
And I noticed
A lil puffiness on my toes and hands.
Sabi ng midwife ko,
I have to increase my protein intake
And more fluids..
More water..
More bathroom trip!

Till next time guys,

XOXO,
Lhey :-)


Sent via BlackBerry from T-Mobile

Friday, May 28, 2010

1st Day

Sino'ng maniniwala na isa ako sa mga nanay na hindi iniinda ang pag gising kada dalawang oras? Ako nga ang di mapakaling magising sya.
Parang hinihili ko pa ang oras.

Kung nandito lang ang nanay pagagalitan
Ako nun eh.
Sasabihin nun matulog ako at magpahinga.
Eh mas inaatupag ko pa
Ang mag-picture at mag-blog
Tungkol kay Raine.
Lalo na ang titigan sya.

I still can't get over the fact
That I just gave birth to a beautiful baby girl...

Ang ganda ganda nia...

1st day...
Abangan ang mga susunod pa naming kabanata!

Kisses!

XOXO,
Lhey


Sent via BlackBerry from T-Mobile

Thursday, May 27, 2010

Eto na siya...






She's Here Guys!

We are proud parents of a new baby girl


Raine Bella Ralston

May 26, 2010

5:45 am

7.14lbs and 20 inches long



Everything happened so quick.
I started feeling the labor pains around 4 in the morning. I got up in bed having that intense pressure on my back, then I felt a lil gush of liquid, at first I thought it was just more of my mucus plugs because there's a lot of the mucusy stuff that came out with a lil amount of liquid. But then when the pressure didn't go away, I decided that I should really time how many minutes apart the contractions are.

I sat in my exercise ball. And tried to relax and focus, but trust me it was hard. I was like waiting for the contraction to come, my brain is sending signals to my body that I should really try to ignore.


Pain. Pain. Pain. That's a lot of ouch ouch ouch!


I asked Jason to start getting the towels and baby's receiving blankets and hat ready in the oven. Yup, we were asked that it should be warmed up for the baby. I asked him also call the midwife and let her know what's going on.


So when I got up to go to the bathroom there was more fluid that came out, I asked Jason to get the yellow strip that our midwife gave us, and the strip changed its color to purple which means that my membranes ruptured. Yup, my water broke.

Contractions were getting more intense and really painful. I was trying so hard to focus and be strong.


"I am gonna have this baby natural, I can do it!"


Brushed my teeth, put my hair up, and put my robe on! More pain... Gosh!


My midwife got in the house as soon as 20min. She asked me how I'm doing and if I timed the contractions, I told her that everything is happening so quick, now I'm getting it every 4min.

She asked me if I want to get in the water already? And of course I said yes.


The pain was so intense. Happy place? Oooh where's my happy place? I should go there and try to ignore this physical torture...

Ya know what came into my mind?

I pictured my mom in my head. That put a smile on my face and eased my worries a lil bit.


Jason got in the water with me, he was putting pressure on my back and on my knees every time contractions starts. My other midwife came shortly to assist us. When I was in the transition part of the contractions, which means I was probably 7-8cm dilated then, I could feel my whole body trembling already and was getting scared that I will not be able to focus through the next only God-Knows how long...


I felt bad coz I wasn't very nice to Jason during the contractions, he would try and kiss me just to let me know that I am doing a great job. He was so supportive, but I wasn't very loving in return! Heller? I'm having a baby?! I'm dying here! Lol!


My midwife kept asking me to change position.

Sometimes I'm on my knee, or on my back. Then she would ask me to rock back and forth.

By the time the baby's ready to come out, all I could here is myself saying


"I can't do this anymore!"


Then the 3 of them are there, with their sympathetic faces and assuring me that I was doing a great job!


The last 20minutes of the labor was the most intense.

That was the time when I felt like I couldn't do it anymore,

I cannot take take another torture. My body was just shaking...

And I felt like anytime I'm gonna lose it and faint.


My midwifes were great, Suzanne and Sarah were very helpful. My husband was the best.

When the "Ring of Fire" started. (It means that the baby's head was crowning)

I could literally feel like my private was being ripped apart, all I could here is their voices saying


"Lhey, your baby's almost here..."


Right at that moment when I felt baby Raine's head I stopped whining and crying already. it was the moment of truth, I stopped pushing and just fully let go of what my body's supposed to do to deliver the baby out. I could also feel that she is pushing herself out...


It was the longest 10 minutes since her head first crowned.

I felt the most intense pain, and most fulfilling feeling after she was born.

I was so overwhelmed when I fist held her,

her umbilical cord was still attached and they didn't wanna cut while its still beating.

They want her transition to be as smooth as possible. For her breathing and all that.


She was the most beautiful thing in the world at that moment, she didn't looked like a newborn to me,

she didn't look swollen and pale, not at all!

Me and Jason were crying like babies.

The whole experience was so special.

It is very memorable.


I will go through the same pain again, if in the end, the reward would be as beautiful as my little angel.


Natural birth is not easy...
But I am glad I went through the whole experience.
I salute all the mother's out there who gave birth naturally without any epidural.
My deepest appreciation to my friends, sisters, and my Mother. We are Superwoman indeed!









Friday, May 21, 2010

WOW!!!



Fitness Family, Young And Fabulous, Mom Cafe, Mom Time, Mom Care, Mom Tips, My Hot Mom, hot moms club

Uy, para po sa mga nanay diyan. Ikinararangal ko pong ibahagi sa inyo na na-feature na naman ako sa isang website... Ito ay isang site na para sa mga ina'ng katulad ko.
Nakakatuwang isipin na sa simpleng paraan ko ay makakatulong akong maging isang inspirasyon sa iba. Bisitahin nio po sana ang website and if you want to be a member please feel free to do so! Thank You! Salamat po! Cheers!

Thursday, May 20, 2010

Tinamaan ng Lintsak


Ano ba ang tamang pagpapalaki ng mga bata? Si Zyon kasi 3yo kong anak na lalake laging pinapalo o kinukurot ang ate niang si Jazz 9y0 Sinubukan ko na kasi lahat. eh di rin naman ako sang-ayon sa laging pamamalo. Ano parang ganto?

Ako: Diba sabi ko sa 'yo wag mong papaluin ang ate mo? *sabay palo*

Para kasing di tama... Lahat na yata ng way nagawa ko na eh, Dinaan ko na sa mahinahon na paraan, kakausapin ko iya ng maayos, magso-sorry naman ang kolokoy. Tapos after how many minutes lang gagawin ulit, yay!!! *kamot-ulo!* Balik ulit kami sa Zero.

Nilagay ko na sya sa time-out ilang beses na. Ang time-out nia papasok sya sa loob ng closet ng ilang minuto, well kumporme yun kung magbe-behave sya sa loob ng walk-in closet ha? kung iiyak sya ng iiyak, the more he stays there.

So, wala pa ring effect yun. Mabuti na lang nga di sya pinapatulan ng ate niya. Eh kasi naman alam ng ate nia na matatamaan din sya sa akin pag pumatol siya sa kapatid niang maliit.
Pero kawawa naman na kasi, lagi na lang may mga kalmot o kaya kagat si Jazz mula kay Zyon.

Baka naman may mga sekret kayo diyan na gustong i-share... I desperately need help.


Monday, May 10, 2010

Iron man2


Nanood kami ng Iron Man2 ni mister at ng mga bata kanina. Nakupo tuwang-tuwa naman ako, nung isang araw ko pa kasi gusto manood nuon. Kahapon sana "Mother's Day" wala naman ako sa mood, di ako ang may kasalanan ha? Yung mga pregnancy hormones ko! Hehe.

So anyways, natutunan ko ng wag bumili ng malaking popcorn. Bukod pa sa mahal, lagi lang nasasayang... Wala pa sa 1/8 ang nakakain.
Kaya kanina, small size lang ang binili ko. Kitam mo na, di pa din naubos...

Dito kasi sa Amerika, di pwede magdala o bumili sa labas ng pagkain tapos ipapasok mo sa loob ng sinehan. Di katulad sa Pilipinas, naaalala ko pa, bili pa kami ng Jollibee Chicken Joy tapos kain sa loob ng sinehan habang nood, SARAP!!!

So sa madaling kwento, ayun na nga, nag-enjoy kami sa palabas, bagay na bagay talaga kay Robert Downey Jr. Ang role nia... Galing kasing Actor!
Excited na din kami sa Shrek at Toy Story 3.

Kwentuhan ulit tayo bukas kaibigan! ☺




Sent via BlackBerry from T-Mobile

TAO PO?



Kamusta naman... Sana di ako engot at di ko nakalimutan and blogger Id at password ko para sa account na to! Hahahaha!!! Kamusta naman? Nagbotohan na kahapon, sino kaya mananalo? Sana mas matalino na ang mg apinoy ngayon at nakapili sila ng maayos na Lider na mamumuno sa Bansa natin. Kahit na nandito ako sa Amerika Syempre Concern pa rin ako sa kung ano man ang mga kaganapan sa bansa natin, Isa yata akong proud na Pilipino!

Tutal napapag-usapan na rin natin yang pagka-PILIPINO, ibabahagi ko lang sana ang isang karangalan na natangap ko mula sa mga kapwa natin PINOY na nagbigay pugay sa aking Talento sa larangan ng musika. Marami pong Salamat sa Recognition!

Bisitahin nio na lamang po ang website ng "SIKAT ANG PINOY"
at suportahan din po natin ang Maraming Pilipinong nagsusumikap upang bigyan karangalan ang ating Bansa!

Maligayang Araw ng Mga Ina din po sa lahat ng Misis at Ina ng tahanan!

Naway nabigyang pugay at pasasalamat kayo ng inyong mga mahal sa buhay. Sana'y di lamang sa Araw ng mga Ina, kundi na rin sa pang araw-araw ng buhay natin!!!!






Thursday, April 22, 2010

Bata sa Amerika



Eto ang dalawa kong Anak, Si Jazz (9) at si Zyon (3). Jazz came here in the states about 3 years ago. She was 6 then. I honestly don't know how to handle her anymore... I mean, ibang-iba na ang ugali nia. Ni hindi na nagta-tagalog, umiinit talaga ang bumbunan ko pagka-ganun. Hindi ko maatim na sa loob ng tatlong taon, nakalimutan nia ang ang salita natin. Tagalog pa rin ang salita ko sa bahay, hindi ko nga sila ini-ingles kahit pa amerikano ang asawa ko. Atsaka naku no? namimilipit na nga ang dila ko pakikipag-usap kay JASON pati ba naman sa mga bata pahirapan ko pa ang sarilai ko?! di siguro!!! hahaha!!!

So ayun na nga? nung isang araw kausap ko yung mga pamangkin ko sa Pilipinas, tuwang-tuwa ako dun sa isang pamangkin kong babae na isang taon lang naman ang tanda kay JAZZ pero naku... sobra pa rin kung mang-opo. Napaka sarap pakinggan eh.... well di ko naman kasi pwedeng i-expect na maging ganun din ang anak ko diba? syempre ako na lang naman ang kumakausap sa kanya ng tagalog eh, saka nanay ko paminsan-minsan sa telepono.

Kaya kung minsan di ko maiwasang mag-isip na umuwi ulit kami ng Pilipinas, even for just a few years para lang ba matutunan ulit nila ang buhay sa atin, yung mga values nating mga Pilipino. Para ma-experience nilang gumising ng maaga para bumili ng pandesal sa bakery. Yung mga ganung bagay ang hindi nila kailanman mae-experience dito eh. Dati gigising pa kami ng extra aga para lang magpa-init ng tubig pampaligo. Tapos utusan kami ni nanay bumili ng pandesal o kaya bonete sa paniderya. Hayy... nakaka-miss tuloy!!!

Ang simplisidad ng buhay sa Pilipinas di ko ipagpapalit. Ewan ko na lang kung hanggang ngayon ganun pa din sa atin? Kolonyal-Mentality kasi! Dito sa Amerika, normal lang sa mga bata ang pagsagot sa magulang, They have the right to speak out their mind. Di daw pagsagot yun, Nag re-reasoning lang!!! Tse!!! Reasoning nila mukha nila, Kung sa nanay ko yun sabihin? "nagre-reason out lang" sigurong pata-tamblingin ako hanggang dun sa kanto! Hahahaha!

AY naku, I'm sure marami pa kayong maririnig na reklamo mula sa akin, hahaha! simula pa lang to, tandaan nio sa panganay pa lang ako namu-mroblema! May dalawa pa....