Abawt Me

Nanay. Asawa. Singer. Potograper. Model. Blogger. Una sa lahat ayoko ng mayabang, Ayoko sa maaarteng tao na wala sa lugar, ayoko sa mga feeling-maganda, ayoko sa mga negatib na tao, masayahin ako, happy-go-lucky, prangka, what u see is what u get, alembong, mahilig sa mga kung anu-anung tsuktsaktsenes, kombo ako simula nung 14 pa lang, katitigil ko lang magtrabaho last year, amerikano ang asawa ko, tatlong anak ko magkaka-iba ang ama, daming katangahang ginawa sa buhay, pero may pinagkatandaan naman, wala akong hilig sa skwela at wala ding bilib sa pag-aaral, pero di uubra yun sa mga anak ko, uupakan ko sila. mahilig ako sa mga electrical gadget, celphone, laptop, camera atbp. mahilig ako mag-shopping, makeup, damit, sapatos, sino bang babae ang hindi? masarap akong tumawa, magluto, at kumain. tamad akong maglinis at magtiklop ng damit, mahilig ako manood ng cartoons, at favorite ko deathtreath nung hiskul ako, pati ang eraserheads. paborito ko magbasa ng funny komiks nung malit ako,  paborito ko din sa kuya bogie ng batibot. marunong akong mag-gitara konti lang, tipong D-A-G-A lang ang chords kaya ko yun! dati akong kumakanta sa Las Vegas, yeah katulad ni Lani Misalucha. Ngayon kasalukayang nagpapahinog ng pangatlong anak ko, walang trabaho, tambay sa nahay, walang ginawa kundi maglinis, magluto, maghugas ng pinggan, manood ng tv, magtweet kada minuto, magfacebook, manood sa uChube at magBlog.