Oh anong sarap ang maging isang Ina. Walang sinabi ang masigabong palakpakan na natatamo ko mula sa pagta-tanghal sa entablado bilang isang mang-aawit...
May mga araw na mas madali kaysa sa ilan. May mga araw na mas madami'ng buntong-hininga akong pinakakawalan, subalit lahat ng ito ay worth it! Walang katumbas ang ngiti at halakhak ng mga bata. Ang mga munting pasalamat sa mga pagkaing aking ihinahanda. Mga matatamis nilang halik sa aking pisngi, at ang mga katagang "I love you, Mommy!"
Minsan, nagtataka ang asawa ko, Sa isang katulad ko daw na pinagpala ng Panginoon, Biniyayaan ng magandang boses, hindi ko ba raw hinahanap-hanap ang buhay performer, ang ilaw sa entablado, ang ingay at palakpakan ng mga tao, di ko ba raw minimithi ulit na makamit ito?
Magpapaka-totoo lamang ako, Ibang klaseng saya ang dulot ng pag-awit at pagtatanghal sa stage sa akin. Maligaya ako sa tuwing nakakapagpasaya ako ng ibang tao thru my music... Ngunit, Subalit, Datapwat iba talaga ang fulfillment ng pagiging Nanay. Sa puso, Sa isip, at Kaluluwa... Para bang mula sa kalingkingan ng talampakan ko hanggang sa huling hibla ng buhok ko ang kaligayahan. Sarap sa pakiramdam!
Hay, sarap maging isang nanay...
XOXO,
Lhey
Sent via BlackBerry from T-Mobile
Nakaka-inspire naman... hubby and I are praying for a little angel too. :-)
ReplyDeleteI'm sure in God's perfect time, bibigay Niya na sa inyo! :-)
ReplyDelete