Eto ang dalawa kong Anak, Si Jazz (9) at si Zyon (3). Jazz came here in the states about 3 years ago. She was 6 then. I honestly don't know how to handle her anymore... I mean, ibang-iba na ang ugali nia. Ni hindi na nagta-tagalog, umiinit talaga ang bumbunan ko pagka-ganun. Hindi ko maatim na sa loob ng tatlong taon, nakalimutan nia ang ang salita natin. Tagalog pa rin ang salita ko sa bahay, hindi ko nga sila ini-ingles kahit pa amerikano ang asawa ko. Atsaka naku no? namimilipit na nga ang dila ko pakikipag-usap kay JASON pati ba naman sa mga bata pahirapan ko pa ang sarilai ko?! di siguro!!! hahaha!!!
So ayun na nga? nung isang araw kausap ko yung mga pamangkin ko sa Pilipinas, tuwang-tuwa ako dun sa isang pamangkin kong babae na isang taon lang naman ang tanda kay JAZZ pero naku... sobra pa rin kung mang-opo. Napaka sarap pakinggan eh.... well di ko naman kasi pwedeng i-expect na maging ganun din ang anak ko diba? syempre ako na lang naman ang kumakausap sa kanya ng tagalog eh, saka nanay ko paminsan-minsan sa telepono.
Kaya kung minsan di ko maiwasang mag-isip na umuwi ulit kami ng Pilipinas, even for just a few years para lang ba matutunan ulit nila ang buhay sa atin, yung mga values nating mga Pilipino. Para ma-experience nilang gumising ng maaga para bumili ng pandesal sa bakery. Yung mga ganung bagay ang hindi nila kailanman mae-experience dito eh. Dati gigising pa kami ng extra aga para lang magpa-init ng tubig pampaligo. Tapos utusan kami ni nanay bumili ng pandesal o kaya bonete sa paniderya. Hayy... nakaka-miss tuloy!!!
Ang simplisidad ng buhay sa Pilipinas di ko ipagpapalit. Ewan ko na lang kung hanggang ngayon ganun pa din sa atin? Kolonyal-Mentality kasi! Dito sa Amerika, normal lang sa mga bata ang pagsagot sa magulang, They have the right to speak out their mind. Di daw pagsagot yun, Nag re-reasoning lang!!! Tse!!! Reasoning nila mukha nila, Kung sa nanay ko yun sabihin? "nagre-reason out lang" sigurong pata-tamblingin ako hanggang dun sa kanto! Hahahaha!
AY naku, I'm sure marami pa kayong maririnig na reklamo mula sa akin, hahaha! simula pa lang to, tandaan nio sa panganay pa lang ako namu-mroblema! May dalawa pa....
hello nakakatuwa naman yung post mo. yung mga kamaganak ko rin sa ibang bansa, nagtataka ako bakit hindi marunong magtagalog ang mga anak nila, parehas pang pilipino. pero i guess sa post mo ngayon parang nakakalimutan lang nila magisa yung language noh. pero , nope hindi din ako nasanay bumili ng pandesal dito. siguro yung puto bumbong every saturday namimiss ko .. hindi mo talaga maipagpapalit ang pilipnas. wish you luck with your kids. have a nice day!
ReplyDeletebestpinay
ganun din ang mga anak ng mga first cousin ko sa amerika..hindi talaga sila marunong magsalita ng tagalog o salita namin ng bumakasyon sila..
ReplyDeleteAy naku mga kapatid, nakaka-lungkot nga isipin na ganito ang nangyayari sa mga tsikiting eh. Bahala sila, advantage pa naman ang bilingual sila. Their lost ika nga, hehe! Wag nila akong masisi-sisi pag laki nila. Dagok aabutin nila, joke! LOL! Salamat po sa Comments...
ReplyDelete