Monday, May 10, 2010

TAO PO?



Kamusta naman... Sana di ako engot at di ko nakalimutan and blogger Id at password ko para sa account na to! Hahahaha!!! Kamusta naman? Nagbotohan na kahapon, sino kaya mananalo? Sana mas matalino na ang mg apinoy ngayon at nakapili sila ng maayos na Lider na mamumuno sa Bansa natin. Kahit na nandito ako sa Amerika Syempre Concern pa rin ako sa kung ano man ang mga kaganapan sa bansa natin, Isa yata akong proud na Pilipino!

Tutal napapag-usapan na rin natin yang pagka-PILIPINO, ibabahagi ko lang sana ang isang karangalan na natangap ko mula sa mga kapwa natin PINOY na nagbigay pugay sa aking Talento sa larangan ng musika. Marami pong Salamat sa Recognition!

Bisitahin nio na lamang po ang website ng "SIKAT ANG PINOY"
at suportahan din po natin ang Maraming Pilipinong nagsusumikap upang bigyan karangalan ang ating Bansa!

Maligayang Araw ng Mga Ina din po sa lahat ng Misis at Ina ng tahanan!

Naway nabigyang pugay at pasasalamat kayo ng inyong mga mahal sa buhay. Sana'y di lamang sa Araw ng mga Ina, kundi na rin sa pang araw-araw ng buhay natin!!!!






3 comments:

  1. Pinanood din namin to! Dami nga namin baon e. Bukod sa popcorn at chips, may hamburger,hotdog, french fries at onion rings din. At frozen yoghurt din pala hehehe! Ang takaw namin para kaming nagpi- picnic sa loob ng sinehan.

    ReplyDelete
  2. Ayan ako pala ang engot at dito ko nailagay ang comment ko para sa latest post mo. hihihi! Anyways, Congrats! Mabuhay ang pilipino! Sobrang ganda ng boses mo. Pagpatuloy mo lang!

    ReplyDelete
  3. Uy Anney, sana di ko lang ngayon nabasa ang comments mo diba? haha. Eto naman nang-inngit pa, na-miss ko lalo tuloy ang buhay jan sa atin. Ganyan din kami dito, bili kami ng jollibee tapos kain sa loob ng sinehan. Dito asar sa mahal ang mga theatre foods naku! Kaya pagka movie time, kain muna sa labas or sa bahay, haha!!! Hanggang sa muli friend. :-)

    ReplyDelete