Kamusta naman daw?
Eto, pagod.
Hindi ako pagod sa pag gising kada dalawang oras, literally, yung katawan ko lang talaga ang pagod. Ang isip ko hindi, ako na nga itong gustong tumayo at kumilos na sa bahay, kaso di pa kaya ng katawan ko. Kaya eto exhausted. Siguro for the past 2 days masyado kong pinuwersa maging OK agad para sa lahat, kaya ngayon, nahihilo ako masyado. I feel bad kasi bday pa naman ni Jason, I really want us to go out and enjoy his day. Kaso ngayon mukhang imposible na. Sama talaga ang pakiramdam ko...
BREAST FEEDING...
Kamusta naman ang kawawang suso ko?
Eto pangatlong araw pa lang parang nagsusumigaw na ng "suko na sila" hahaha, nakalaimutan ko kung gano kasakit atsaka kahirap ang magpa-dede.
Bakit yung ibang babae sa Pilipinas pag nagpapa-dede parang wala lang? Di nila iniinda? Ano? Sanayan lang? Waaaaaaah! Ang sakit kaya...
Nagka-crack na nga atsaka dry... Isipin mo yun, tapos parang nakaka-guilty namang ipagdamot!
Pag madaling araw nga, yung tipong mejo duling ka pa sa antok, tapos kailangan ko na magpa-dede, unang latch nia kasi ang pinaka-masakit eh, kaya pagkatapos ng unang latch, gising ako eh! Parang may sumigaw sa tenga ko ng pagkalakas-lakas "HOY GISING!" Haha, dahil yun sa hapdi at sakit, gising agad diwa mo! Haha!!!
So sa ngayon, yan pa lang ang drama ng buhay ko.
So far so good maliban sa kawawang kambal sa dibdib ko.
Our midwife checked us yesterday,
And everything seemed to be
Perfect.
Kanina lang medyo nahihilo ako
And I noticed
A lil puffiness on my toes and hands.
Sabi ng midwife ko,
I have to increase my protein intake
And more fluids..
More water..
More bathroom trip!
Till next time guys,
XOXO,
Lhey :-)
Sent via BlackBerry from T-Mobile
No comments:
Post a Comment