Thursday, May 20, 2010

Tinamaan ng Lintsak


Ano ba ang tamang pagpapalaki ng mga bata? Si Zyon kasi 3yo kong anak na lalake laging pinapalo o kinukurot ang ate niang si Jazz 9y0 Sinubukan ko na kasi lahat. eh di rin naman ako sang-ayon sa laging pamamalo. Ano parang ganto?

Ako: Diba sabi ko sa 'yo wag mong papaluin ang ate mo? *sabay palo*

Para kasing di tama... Lahat na yata ng way nagawa ko na eh, Dinaan ko na sa mahinahon na paraan, kakausapin ko iya ng maayos, magso-sorry naman ang kolokoy. Tapos after how many minutes lang gagawin ulit, yay!!! *kamot-ulo!* Balik ulit kami sa Zero.

Nilagay ko na sya sa time-out ilang beses na. Ang time-out nia papasok sya sa loob ng closet ng ilang minuto, well kumporme yun kung magbe-behave sya sa loob ng walk-in closet ha? kung iiyak sya ng iiyak, the more he stays there.

So, wala pa ring effect yun. Mabuti na lang nga di sya pinapatulan ng ate niya. Eh kasi naman alam ng ate nia na matatamaan din sya sa akin pag pumatol siya sa kapatid niang maliit.
Pero kawawa naman na kasi, lagi na lang may mga kalmot o kaya kagat si Jazz mula kay Zyon.

Baka naman may mga sekret kayo diyan na gustong i-share... I desperately need help.


1 comment:

  1. Ang kulit talaga ng mga bata ano? Ako naman e singel at walng anak puro pamangkin lang na puputi talaga agad ang buhok mo ( up and down..wahahaha!) sa sobrang kakulitan! hayyyyzz.. Yung 2 yr old kong pamangkin na si Ykaie ang trip naman nun e kagatin mga pinsan nya. At eto pa, sa dede pa pag nangangagat. Ewan kung bakit e di naman breatsfed yan. Sorry wala ako ma she share na tip kaya abangan ko na lang kung may mga mag she share dito kung ano ginagawa nila para mapa behave talaga mga bata.

    ReplyDelete